Litratong Pinoy #3: Nag-aapoy
written by Sreisaat
at Thursday, May 15, 2008


Sunset over the Gulf of Thailand
Kep, Kingdom of Cambodia
Ang nag-aapoy na Haring Araw, ito ang napili kong litrato na sa tingin ko ay angkop sa tema natin ngayong linggo. Kuha ito sa bayan ng Kep kung saan ako ay naka-base sa loob ng apat na buwan noong taong 2007. Ang Kep ay napapaligiran ng Gulf of Thailand, at sa aking opinyon, ito ay may pinakamagandang sunset sa buong Cambodia. Kung inyong pagmamasdang mabuti, naglalagablab pa rin ang araw sa kabila ng unti-unting pagdilim ng kalangitan, na para bang pinaglalabanan ang pagsaklob ng dilim sa sanlibutan.






















![Validate my Atom 1.0 feed [Valid Atom 1.0]](http://img.photobucket.com/albums/v446/sreisaat/valid-atom.png)

6:34 PM
Pareho tayo ng ideya ngayong linggo.
What can I say? Great minds think alike! Hahaha!
7:29 PM
Pinagmasdan ko ngang mabuti. May nakita akong lumalangoy. Dapat umahon na sya. Magdidilim na.
Magandang Hwebes!
7:32 PM
ZJ!!! I'm so happy to 'see' you!! *hugs*
Huwag po sana mamasamain ng ibang kalahok sa LP pero pinakapaborito ko itong sunset shot na ito sa lahat...napaka pure ng kalangitan at kitang kita ang bangis ng init ng araw! Ang ganda naman ng pagkakakuha mo lalo na may tao pa sa tubig..pwedeng ibenta ito ha! (ay utak negosyante talaga, sensha na ha)
HUGS ulit kita!!
Thess
7:41 PM
hehehe...same kami ni doc em. saka ko na lang nakita yung lumalangoy :)
ganda!
11:29 PM
hi ZJ, sawasdee kah :) tama si thess, ang ganda ng sunset shot mo. :)
MyMemes: LP Umaapoy
MyFinds: LP Umaapoy
12:39 AM
sunsets, there's so much romance and passion in it...
3:10 AM
Ang pinakamaapoy sa lahat at hindi namamatay!
nadadama ko ang init ng sikat kahit nakalubog sa tubig...Maligayang LP!
7:12 AM
nice shot, love the warm color of the sun... bonus pa yung taong lumalangoy... :)
http://linophotography.com
11:05 AM
ang ganda ng iyong kuha!
magandang araw sa'yo!
7:13 PM
ang ganda naman nyan!!! iba talaga ang pakiramdam pag takipsilim o sunset. para bang napakapayapa at napapag-isip ka. :) mabuhay LP! :)
11:01 PM
Welcome back. Busy ka the past few weeks.
Nice picture. Sobrang na capture mo yung init ng pulang araw.
Sino yung lumalangoy?
8:48 AM
Napakaganda ny takip-silim! (Did I get it right?) ;)
2:23 PM
Mga kaibigan, salamat sa inyong pagbisitang muli dito sa akin. Ako ay lubos na nagagalak at nagustuhan niyo ito. Nakaka-kiliti sa puso ang inyong mga iniwang mensahe.
Ms. Thess, pwede na bang ibenta? Hahaha.
Oo, merong taong lumalangoy nang kinuha ko ang litratong ito. Akshuli, may bangka di kalayuan sa kanya at kakatapos niya lang mag-ayos ng kanyang bangka at siyay naligo sa dagat.
3:02 PM
Gladys Rea, sorry kung hindi ako makabisita sa blog mo... papano ang sabi ng blogger ay not available daw ang profile mo.
5:16 AM
zj, ang ganda nito ha!
thanks for sharing :) di nakakasawang tingnan.